Artist Club
DOH Regional Poster Making Competition


Syempre hindi pahuhuli ang sangay ng Makasining sa Guimba at may entry sa isinagawang virtual poster making.

Sa tanggapan ng ni Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ginanap ang live (virtual) entry ng bayan na pinanood ng mga judges mula sa region.

Ayon kay Ginang Rhea Gamboa Leyva head ng Tourism Office ng Guimba
"Sinusuportahan ng munisipyo ng guimba ang mga ganitong patimpalak kung saan naipapakita ang angking galing ng ating mga kababayan. Salamat din po sa palagiang suporta ni Atty OJ".

Isang obra na nagsasalarawan ng temang “Beautiful and Healthy Smiles beyond Miles” na iginuhit ng artist Benjie Mata ng barangay Lennec.

Kahit saan mang larangan taas noo nating ibabandera ang ating bayan.

Ang patimpalak ay nilahukan ng ating RHU Dental Clinics - Dra Gabrielle Ann S. Cariaga at Doc JP Coking para sa entry ng Pamahalaang Bayan ng Guimba.




See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC